PAKILUSIN ANG KABATAANG PILIPINO LANSAGIN ANG PASISTANG DIKTADURANG US-DUTERTE ISULONG ANG PAMBANSANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYON

Mensahe sa ika-20 Anibersaryo ng Anakbayan
Ni Prof. Jose Maria Sison, Tagapangulong Tagpagtatag ng Kabataang Makabayan, Nobyembre 30, 2018

Mahal na mga kapwa aktibista,

Maalab na makabayang pagbati at pakikiisa sa inyo sa okasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng Anakbayan ngayong Nobyembre 30, 2018. Pulang saludo sa inyo sa mga naipon ninyong tagumpay. Ang araw na ito ay makabuluhan sapagkat ating ipinagdiriwang ang ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, pangulo ng Katipunan, ika 54 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at ika-20 anibersaryo ng Anakbayan!

Batay sa inyong kasalukuyang lakas, natitiyak ko na makakamit ninyo ang ibayong pagsulong at tagumpay. Tumpak ang inyong tema at panawagan: Pukawin , organisahin at pakilusin ang kabataang Pilipino at mahigpit na sumanib sa pakikibaka ng batayang masa! Lansagin ang papet, pahirap at pasistang diktadura ng rehimeng US-Duterte! Isulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalitang perspektiba!

Tagapagmana kayo ng maluwalhati at maningning na bandilang pula ni Andres Bonifacio at ng Kabataang Makabayan. Laging umaasa ang sambayanang Pilipino na kayo ang magpapatuloy ng pambansang demokratikong rebolusyon. Kayo ang walang pagkasaid na pinagmumulan ng sariwang dugo, talino at giting para isulong at ipagwagi ang pambansa at panlipunang paglaya ng sambayanan.

Kayo ang nagpapatuloy sa papel ng Kabataang Makabayan bilang pangunahing legal na suporta sa uring manggagawa na namumunong uri sa rebolusyong Pilipino. Bilang kumprehensibong organisasyon ng kabataan, tinitiyak ng Anakbayan na makatulong sa pagpapatibay ng batayang alyansa ng mga uring manggagawa at magsasaka at sa paghimok sa iba pang makabayan at progresibong uri at saray ng lipunan para lumahok sa kilusang pambansa-demokratiko.

Tungkulin ninyong ipalaganap ang linya ng demokratikong rebolusyon ng bayan para baguhin ang lipunang malakolonyal at malapyudal. Pag-ibayuhin ang inyong tatag at militanteng paglaban sa rehimeng papet ni Duterte na garapal at labis-labis ang kataksilan, pagpatay, korupsyon at kasinungalingan. Kayo ay mayroong mapagpasyang papel sa pagpapabagsak sa rehimeng ito tulad noong 1998 hanggang 2001 nang ibagsak ang rehimeng Estrada.

Mayabang at mapanakot ang rehimeng Duterte. Akala nito kaya niyang sindakin ang sambayanang Pilipino at mga organisadong pwersa ng pambansa-demokratiko kilusan. Palatandaan ito ng makitid at marupok na batayan ng pakana ni Duterte na magpataw ng de-facto na batas militar at tiraniya hanggang sa pormal na deklarasyon ng batas militar para dayain ang halalan sa susunod na taon at isagawa ang pagpalit ng konstitusyon o chacha para sa pekeng pederalismo bilang maskara ng kanyang pasistang diktadurang pipili ng kanyang mga ahenteng rehiyonal at probinsyal mula sa hanay ng mga warlord at dinastiya.

Ngayon pa lang, masasabi nating bigo na ang mga taktikang-panakot ni Duterte sa sambayanang Pilipino. Sa simula pa lang ng Oplan Tokhang, naging kamuhi-muhi na si Duterte bilang mass murderer sa Pilipinas at sa buong daigdig dahil sa utos niya sa kanyang mga armadong alipuris na pumaslang sa mga sinususpetsa bilang user at pusher ng ilegal na droga sa hanay ng mahihirap. Ginawa niyang lalo pang kriminal at korap ang mga pulis. Pinakamasahol ay siya pala ang bagong supremo ng mga drug lord, katulong ang kanyang kompadreng si Peter Lim at anak na si Paolo Duterte.

Lalong bigo si Duterte sa kanyang all-out war sa ngalan ng Oplan Kapayapaan. Suklam na suklam sa rehimen ang masang Pilipino dahil sa mga panakot na pagpaslang sa mga magsasaka at pambansang minorya, mga lider ng anakpawis, mga aktibista katulad ninyo at mga tagapagtanggol ng mga karapatang tao tulad ng mga abogado, peryodista at mga relihiyoso. t Sa larangan ng armadong pakikibaka, bigong-bigo ang rehimen sa pakana nitong lipulin ang pwersang rebolusyonaryo, tulad ng partido ng uring manggagawa, ang hukbong bayan at ang pamahalaang demokratiko ng bayan.

Para magpatupad ng batas militar sa Mindanao, ibinuhos ni Duterte ang higit sa 70% ng AFP maneuver battalions. Pero malinaw na ngayon na bigo ang inaasam niya na madurog ang Bagong Hukbong Bayan bago magtapos ang 2018. At bigo na rin ang panibagong pag-asa niya na mangyayari ito bago Mayo 2019. Umiiral ang lahat ng pwersa at larangan ng NPA. Walang nagapi ni isang larangang gerilya ang mga armadong alipuris ni Duterte. Sa halip, dumarami ang mga taktikal na kontra-opensiba ng Bagong Hukbong Bayanhindi lamang sa Mindanao kundi maging sa Luson at Kabisayaan.

Ang pumapatay sa rehimeng Duterte sa mata at damdamin ng sambayanang Pilipino ay ang palipad na presyo ng mga batayang kalakal at serbisyo . Nangyayari ito dahil sa sira-ulong pagnanasa ni Duterte na magpalaki ng kita ng estadao sa pamamagitan ng buwis na tuwirang ipinatong sa mga batayang kalakal at serbisyo. Ang mga karaniwang tao ang pumapasan sa pinataas na buwis, hindi ang mga korporasyon at mayayaman.

Mas masahol pa rito, gagamitin ang pinalaking kita o kikil ng rehimen para pataasin at suhulan ang militar at pulis at gastusan ang mga kagamitan at operasyong militar upang supilin ang masa; para magtayo ng mga proyektong imprastruktura na madaling pagnakawan ng pamilyang Duterte at kanyang mga alipuris sa kongreso, at para bayaran ang lumalaking interes sa utang ng gobyerno mula sa ibayong dagat.

Dating ipinagmamalaki ni Duterte na taglay niya ang independyenteng patakarang panlabas at papalayo siya sa Estados Unidos. Sa katotohanan pinananatili niya ang mga tratado, kasunduan at kaayusan na nagpapatupad sa patuloy na dominasyong US sa Pilipinas. Gusto lamang pala ni Duterte ang dobleng dominasyon ng US at Tsina. Dito nalantad ang garapal na kataksilan ni Duterte.

Sa pagnanasa niyang makakuha ng ilang bilyong yuan na pautang na may mataas na interes mula sa Tsina para sa labis na pinataas na presyo ng mga proyektong imprastruktura, isinasangla ni Duterte ang soberaniya at patrimonya ng Pilipinas, lalo ang langis, gas at iba pang likas na yaman na may tinatayang halagang 60 trilyon dolares sa West Philippine Sea. Ibinasura niya ang ipinanalo ng Pilipinas na desisyon laban sa Tsina sa Permanent Court of Arbitration.

Dapat na mas madaling ibagsak ang rehimeng Duterte kaysa rehimeng Estrada. Di hamak na mas marami at mas malaki ang mga krimen ni Duterte ngayon kaysa kay Estrada noong 2001. Sa hanay ng militar at pulis, ayaw ng marami ang paboritismo niya para sa mga kapwa niyang kriminal at mahilig sa pabuyang pera at promosyon. Ayaw nilang ginagawang private army ni Duterte ang AFP at PNP. Ayaw din nila na ibinibenta niya ang soberanya at patrimonya ng Pilipinas at sa Tsina.

Natitiyak natin na babagsak ang rehimeng Duterte sa oras na makatipon ang kilusang pambansa-demokratiko at malapad na nagkakaisang hanay ng daan-daang libo o milyun-milyon katao sa mga lansangan na sasabayan ng malaking bahagi ng AFP at PNP ng pag-urong ng suporta mula kay Duterte. Nangayari ito sa panahon ni Marcos noong 1986 at sa panahon ni Estrada noong 2001. Maaring mangyari rin ito sa panahon ni Duterte.

Bagamat matatag nang layunin ng kilusang pambansa-demokratiko ang paglansag sa rehimeng Duterte, may patakaran pa rin ang NDFP na maging bukas sa usapang pangkapayapaan. Ang layunin nito ay para himukin si Duterte na itigil ang kanyang de-facto martial law at pasistang diktadura at sumangayon sa mga repormang sosyal, ekonomiko at pulitikal para maging batayan ng makatarungan at matibay na kapayapaan.

Pero kung patuloy ang all-out war niya, walang mapagpipiliaan ang sambayanang Pilipino at mga pwersang rebolusyonaryo kundi paigtingin ang digmang bayan hanggang pabagsakin ang rehimeng Duterte at sa proseso ng rebolusyonaryong paggapi sa naghaharing sistema ng mga malaking komprador, asendero at burukratang kapitalista.

Mabuhay ang Anakbayan!
Pakilusin ang kabataang Pilipino!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Isulong ang kilusang pambansa-demokratiko!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

ISULONG ANG BANDILANG PULA NG KATIPUNAN AT KABATAANG MAKABAYAN

Mensahe sa ika-54 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan
Jose Maria Sison

Nobyembre 30, 2018

Mahal na mga kasama sa Kabataang Makabayan,

Bilang Tagapangulong Tagapagtatag ng Kabataang Makabayan (KM), naliligayahan akong inabot ng ating mahal na organisasyon ang ika-54 na anibersaryo ng pagtatatag. Magpasalamat tayong lahat sa mga rebolusyonaryong martir at bayani, at sa lahat ng nauna at kasalukuyang kasapian na nagpalakas at patuloy na nagpapalakas sa ating organisasyon bilang mayor na sandata ng bagong demokratikong rebolusyon ng sambayanang Pilipino.

Ang bagong demokratikong rebolusyon ay pagpapatuloy ng rebolusyn na inumpisahan ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Mapagpasiya ang papel ng KM sa pagpapatuloy ng rebolusyon magmula 1964. Itinayo ito bilang komprehensibong organisasyon ng mga kabataan mula sa hanay ng mga manggagawa, magsasaka, estudyante, kababaihan, guro at iba pang propesyunal.

Inihandog ng KM ang sarili bilang katulong ng uring manggagawa na namumunong uri sa rebolusyong Pilipino sa panahon ng imperyalismo at proletaryong rebolusyon sa daigdig, Naging paaralan at sanayan ang KM ng napakaraming kadre at aktibistang masa. Dito sila nakapag-aral ng mga prinsipyo, patakaran at linya ng pagkilos para maisakatuparan at maisulong ang rebolusyong Pilipino.

Kabataang Makabayan (KM) Lucille Gypsy Zabala brigade stages a lightning rally on eve of KM’s 54th anniversary. Photo by Renz Katsuragi

Masusi, mapagpasiya at malakihan ang nagawa ng KM sa pagsulong ng kilusang masa sa buong bansa. Lumaki nang lumaki ang mga protestang masa laban sa rehimeng Marcos at sa naghaharing sistema ng malalaking komprador, asendero at burukrata kapitalista bago matapos ang dekada-1960. Humantong ito sa Sigwa sa Unang Kwarto ng 1970, sa Diliman Commune at iba pang malalaking kilos protesta hanggang magpataw si Marcos ng martial law at pasistang diktadura sa buong bansa.

Ang Naratibo ng Bayan ay Naratibo ng Digma

Sapilitang nag-underground at kumilos nang lihim ang KM magmula pa suspensyon ng habeas corpus noong 1971. Handang-handa ang KM na lumahok sa armadong rebolusyon, magmula pa 1968, ang taong itinatag ang Partido. Marami sa mga kadre ng KM ang naging kasaping tagapagtatag ng Partido Komunista at sumunod sa linya ng demoratikong revolusyon ng bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan.

Nasaklaw agad ng Partido ang buong bansa dahil sa pambansang saklaw ng KM. Bilang bahagi ng sandatahang pakikibaka, ang KM ang naging katumbas ng Communist Youth League, tagapagsanay at tagapaghanda sa mga kabataan para maging proletaryong rebolusyonaryo. Hanggang ngayon, patuloy na nagkakamit ang KM ng mga tagumpay sa papel nitong katuwang ng revolusyonaryong partido ng uring manggagawa.

Kabataang Makabayan (KM) Lucille Gypsy Zabala brigade stages a lightning rally on eve of KM’s 54th anniversary. Photo by Renz Katsuragi

Ngayon, nakaharap tayo sa isang taksil, brutal, korap, sakim at mapanlinlang na rehimen na bagong yugto ng paghahari ng mga papet ng US at mga reaksyonaryong uri sa malakolonyal at malapyudal na sistema. Dahil sa mayamang karanasan ng KM sa pakikibakang antipasista sa diktadurang Marcos, qat sa sunud-sunod na mga pekeng demokratikong rehimen, matatag at malalim ang paninindigan at kasanayan ng KM para labanan at ibagsak ang rehimeng Duterte at panghinain ang buong naghaharing sistema.

Walang anumang oplan ang nakasindak sa KM. Bagamat umaastang malakas at mabangis ang rehimeng Duterte, talagang marupok at duwag ito sa harap ng lumalakas na kilusang demokratiko sa mga lunsod at ng digmang bayan na nakaugat sa kanayunan. Lahat ng pagkukunwari at di-totoong pangako ni Duterte ay nailantad nang hindi totoo. Kung gayon suklam na suklam sa kanya at sa kanyang rehimen ang sambayanang Pilipino.

Ipinangako ni Duterte na susupilin niya ang kalakalan ng ilegal na droga. Pinapaslang ang galibong mahihirap na tinaguriang drug user at pusher. Sa kalabaslabasan, si Duterte pala ang supremo ng mga druglord at kasabwat niya ang kumpadre niyang si Peter Lim at anak niyang si Paolo sa lalong lumaki at lumawak na ilegal na drug trade.

Ipinangako ni Duterte na susugpuin ang korupsyon sa gobyerno. Pero siya ang lumitaw na nakikipagkutsabahan sa pinakamalalaking mandarambong tulad ng mga pamilyang Marcos, Arroyo, Estrada, atbp. Ang Opisina ng Presidente ngayon ang pasimuno sa korupsyon, laluna sa mga kontrata ng imprastruktura at suplay para sa gobyerno at sa paggamit ng intelligence at discretionary funds para sa Oplan Tokhang at Oplan Kapayapaan.

Sadyang dinurog ni Duterte ang Marawi City at sinira ang mga tahanan at hanapbuhay ng daan-daang libong Maranaw para lamang ipasikat na dapat masindak sa kanya ang sambayanan at para sabihing tama ang mali: ang martial law sa buong Mindanao at sa buong kapuluan.

Sa ngayon, mayroon nang de-facto na martial law sa buong bansa at malamang na aabot pa ito sa proklamasyon ng martial law sa buong Pilipinas sa layuning magkaroon ng layang dayain ang halalan ng 2019 at isagawa ang chacha para sa pekeng pederalismo nang sa gayon maitayo ang pasistang diktadura na pangingibabawan sa mga rehiyon at prubinsya ng mga pinili niyang mga ahenteng warlord at dinastiya sa pulitika.

Walang pagbabago sa ekonomiya sa ilalim ng rehimeng Duterte. Nananatili itong pre-industryal, agraryo at malapyudal. Karamihan ng tao ay mahirap, malaki ang kawalan ng trabaho at maliit ang kita ng may trabaho. Lumilipad ang mga presyo ng batayang kalakal at serbisyo dahil sa tuwirang buwis na ipinataw dito. Bale mga karaniwang tao ang nagbabayad ng malaking buwis, hindi ang mga korporasyon at mayayaman.

Bankrap ang gobyerno at lalong itong mababankgrap dahil sa ibinubuhos ang buwis sa pakinabang ng mga korao na opisyal at mga militar at pulis. Nauuwi ang buwis ng bayan sa mga proyektong imprastruktura at iba pang proyekto o operasyong madaling pagnakawan at sa pagbabayad ng lumalaking utang ng gobyerno mula sa ibayong dagat.

Magmula nang maupo si Duterte bilang presidente, naglunsad na siya ng all-out war at ipinagpatuloy ito kahit na may ceasefire na napagkasunduan sa peace negotiations. Walang tigil ang paggamit ng dahas ang militar at pulis sa mga manggagawa, magsasaka, pambansang minorya, kababaihan, kabataan, mga legal na aktibista at mga tagapagtanggol ng karapatang tao.

Malaki nang pera ang ginastos ni Duterte sa pagdurog sa Marawi City at sa pagsasagawa ng martial law sa Mindanao laban sa mga rebolusyonaryong Pilipino at mga Bangsamoro at sa paglunsad sa mga tinaguriang focus areas sa buong kapuluan. Pero isang malaking kapalpakan ang Oplan Kapayapaan pati ang mga opensiba militar nito, mga pakunwaring “peace and development” operations at mga seremonya ng fake surrender.

Wala ni isang larangan ng NPA ang nawala. At dumarami na ang mga taktikal na kontra-opensiba ng NPA sa Mindanao, Bisayas, at Luson. Lumalakas ang lahat ng pwersang rebolusyonaryo. Lantad na ang katotohanan na hindi kayang supilin ng rehimeng Duterte ang kilusang rebolusyonaryo.

Mabilis na sumusulong ang legal na pambansang demokratikong kilusan at ang malapad na nagkakaisang prente laban sa rehimeng Duterte. Kung makapaglunsad ang mga ito ng mga protestang masa na aabot sa daan-daang libo o milyun-milyon, sa mga mayor na lunsod, posibleng alisan si Duterte ng suporta ng mga makabayan at demokratikong pinunong militar at pulis at babagsak si Duterte tulad ni Marcos noong 1986 at ni Estrada noong 2001.

Marami at mas malaki pang krimen ang gagawin ng rehimeng Duterte habang ito ay nananatili. Katungkulan ng lahat ng marangal na Pilipinong makabayan na lumahok sa pagbabagsak sa isang rehimeng taksil sa bayan, malupit, korap at mandurugas. Sa pakikibaka an pag-asang makakamit ng sambayanan ang mas mabuti at maaliwalas na kinabukasang malaya, demokrtiko, makatarungan at maunlad.

Mabuhay ang Kabataang Makabayan!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

INTIFADA WORLDWIDE UNTIL RETURN!

May 16, 2018

The world should tremble at the sight of the innocent blood being shed on Palestinian soil.

More than half a century ago, David Ben Gurion, executive head of the World Zionist Organization proclaimed the Declaration of the Establishment of Israel on May 14, 1948. The following day sparks the beginning of Nakbah or the catastrophe for the Palestinian people as 750,000 Palestinian Arabs fled or have been displaced from their villages.

On the eve of the 70th commemoration of Nakbah, the imperialist state of America under the Trump regime moved the US embassy from Tel Aviv to Jerusalem, stating that Jerusalem is the capital of the Zionist state of Israel. Despite the international condemnation, representatives from 32 countries including the Philippines attended the inauguration. Protest on different cities sparked that day. Palestinians and supporters have been arrested but none would have anticipated the cold blood murders that took place in Gaza.

Gaza is the biggest open-air prison in the entire world with it’s 2 million residents isolated from the rest of Palestine, deprived of their fundamental right to electricity, water, food, and education. Gaza had enough of 70 years of illegal settlers killing generation after generation of Palestinians.

From al-Jalil (Galilee) to Ar’ arat an-Naqab, nationwide strikes organized by the Palestinians were held to oppose Israeli’s announcement to expropriate thousands of acres of lands. Every year since March 30, 1976, Palestinians commemorate the Land Day with protests actions.

Gazans marked the 42nd commemoration of Land Day with protests along the armistice line between Gaza and Israel. Tires were burnt and rocks were thrown against the Israeli Defence Forces (IDF) while they were being shot with live bullets and droned with gas bombs and tear gas and yet more and more Palestinians joined the protest of the Great Return March that cultivated yesterday, May 15, 2018.

Trump was right, Israel created another history for killing 65 Palestinians in Gaza and wounding at least 3000. This number will continue to increase as long as the Zionist state of Israel exists. Palestinians have long respected Israel’s desire to live alongside them but Israel brought nothing but injustice and impunity to the Palestinians.

We, in Anakbayan-Europe strongly condemn the mass killings of the Palestinians not just of the recent event but since the establishment of the Zionist state. We recognize Palestinian right to resist. The recent even in Gaza is not an act of terrorism, what kind of terrorist organization will use slingshots and stones? Wooden sticks or tennis rackets and scrap metals to resist the bullets and gas bombs of one of the world’s most advanced military troops, the IDF? What act of terrorism did the 8-month old child commit for her to die from suffocation? The real terrorists are the ones in the White House, the ones in the Knesset and Malacañang. The real terrorists are the puppet regimes they have long installed to oppress the sovereign nations all because of land.

The form of oppression that the Palestinians are facing might be different than the monster we grew familiar with back home, but we recognize the face of the enemy even from afar. It matters not if it wears the face of religious war quoting from the old testament, the enemy of the Palestinians and Filipinos are the same and it is the imperialist state of the US, the Zionist Israel, the Duterte regime and its allies. To end all the oppression the only solution there is for us is a revolution. Be it in the form of freedom fighters or guerrillas in the countryside, it has become the duty of our generation to participate in the struggle for national liberation, for the ruling class will not give our freedom in peace. They will not hesitate to shed more blood and plunder more land. It is therefore not surprising the more and more people especially youth are joining the struggle. We condemn in the strongest possible terms the Zionist state of Israel for its decades-long ethnic cleansing against the people of Palestine!

We as Filipinos have known what is it like to have our lands stolen. From Spanish colonization to US imperialism, there is no real independence for the Filipino people. We have come to know the demolition of our indigenous people’s community. The Moros in Mindanao are under siege and their villages being bombarded as well as their schools. Urban poor communities in the cities are being confronted by demolitions disguised as rehabilitation. We know the face of development aggression cause by the foreign powers. Like the Palestinian farmers, ours has no land to till. Like the olive trees of the Palestinian families, our crops are being taken by the landlords.

The Great Return March will start the prairie fire not just for the rest of Palestine but for all the people and nations that have fallen victim to imperialist war. The homeless, the migrants and refugees, the displaced shall return and we shall take back what is rightfully ours! Our enemies will do everything to suppress the uprising for it fears the victory of the people. But together through the leadership of the working class we will march forward to victory!

The young and the old will never forget the names of the martyrs, we will say the names of the martyrs with pride and honor. The war is cruel but the reason behind the war behind it is much more cruel, for it is a war against the rich and the poor. It is a war of capital. But the war that the people of Palestine and Philippines is waging is a just one for it will liberate all the oppressed nations and peoples of the world, it is a people’s war for the people’s peace!

We give the highest honor to the martyrs of Palestine. The youth and student leaders who selflessly stood in the front line with only rocks and slingshots to defend their people and reclaim their land with their lives. You do not die in vain, the day will come when your olive trees will bloom again and the harvest will be yours. Your children and the children of your children will return to your ancestral homes and villages and Jerusalem will be the capital of Palestine again. You will no longer have to live in the cold refugee camps. We will return.

We urge the international community to put pressure on your government. Boycott! Divest! Sanction! Join mass protests and expose the reality that is happening in Palestine.

Palestine! Your freedom is the freedom for us all!

From the river Jordan to the Mediterranean sea, Palestine shall be free!
From Palestine to the Philippines stop the US war machine!
Boycott Israel!
Worldwide intifada until return!

On the May 1st 2018 International Workers’ Day: Migrants and workers of the world unite!

April 30,2018

On the May 1st 2018 International Workers’ Day: Migrants and workers of the world unite!

As the global economic crisis boils up, the ruling powers are aggressively bolstering the oppressive social order that afflicts the majority of the masses. US imperialism is now more than ever eager to launch wars of aggression for the sake of sustaining its war-based economy at the behest of global monopoly capitalists and the warmongering monsters of the military industrial complex. Wherever it goes, it wreaks havoc on its path.

In the Philippines, the puppet US-Duterte regime finds pleasure in its harlotry with imperialist rivals China and the United States. We have seen how death and destruction has engulfed the city of Marawi for the sake of expanding EDCA-compliant military bases that will host more American troops while our territorial waters on the West Philippine Sea are now teeming with artificial islands guarded by Chinese military forces.

These devastating imperialist conquests are all attributable to monopoly capitalism and its ravenous greed salivating after the extraction and exploitation of our natural resources while subjecting the Filipino people to all sorts of neoliberal attacks. Boozed in his puppetry, Duterte still had the nerve to implore for patriotism from OFWs in Kuwait by urging them to come back, only to retract it later by pointing to China as their next destination.

Approaching his second year in office, the US-Duterte regime is clearly placing the interests of big corporations above the rights and welfare of the working class by legitimizing contractualization, flexible working schemes, union-busting and the perpetuation of regional wage boards. Moreover, unemployment, landlessness and privatization of public services inflict more pain and agony to our poor farmers and workers. Adding insult to injury, this year’s imposition of Duterte’s TRAIN law caused prices of basic commodities to spike rapidly. We can really be certain that under these conditions, millions more of our countrymen will leave the country to look for greener pastures abroad. Desperation has even caused many to end up working in war-torn and hostile countries. Duterte’s attitude on the issue of the OFWs in Kuwait and the case of MJ Veloso displays his lack of a clear and comprehensive program to resolve the long-standing problem of the migrant workers.

All over the Philippines, relentless killings and bombings have gripped communities and displaced hundreds of thousands. A few days ago, armed security ruffians opened fire at protesting farmers in Nueva Ecija. In Cagayan Valley, Father Mark Ventura was gunned down before his congregants just after officiating over his Sunday mass. The government’s fake war on drugs is claiming more and more lives in poor communities while big drug-lords are absolved of their crimes.

There is no denying that US-Duterte is waging war against the people by unleashing State-terror to establish his Fascist dictatorship. But the growing intensity of our unwavering resistance continues to frustrate his vicious ambitions. No amount of state-led repression or intimidation will ever immunize Duterte from the waxing outrage of the struggling Filipino masses. We rest in our strong faith that workers in unity with the farmers and other patriotic sectors will emerge victorious in the battle against Fascism and Imperialism.

The tempest still rages but let us keep pressing on in demanding for genuine agrarian reform and national industrialization to decisively address the roots of forced migration and underdevelopment in our country. As we continually realize our collective strength by struggling for the attainment of justice and national democracy, let us take inspiration from the working men and women of ages past who braved all hardships and persecutions when they fought unjust working schemes that deprived them of their rights and benefits.

The International Workers’ Day is the day when we glorify and honor all workers who struggle to build a just new world where the current oppressive order will finally be abolished and thrown into the dustbin of history. Migrante International salutes all progressive Filipino workers in their strong resolve to build a strong labor movement in the country for the liberation of the entire working class not only in the Philippines but in the entire world.

Migrants and workers of the world unite!

We have nothing to lose but our chains!

Long live the labor movement!